Blank Ink
About Story
Synopsis
Ang ‘Ginto’ ay ang tunay at madamdaming kuwento ng buhay ni Anthony, o mas kilala bilang Toto. Sa murang edad...
Ang ‘Ginto’ ay ang tunay at madamdaming kuwento ng buhay ni Anthony, o mas kilala bilang Toto. Sa murang edad na labintatlo, naranasan niya ang pinakamasakit na uri ng pangungulila— ang iwan at talikuran ng sariling mga magulang. Mula sa pagiging batang may tinitirhan, nauwi siya sa kalsada, kung saan ang waiting shed ang naging silid-tulugan, ang poste ng ilaw ang naging lampara sa pag-aaral, at ang tubig sa irigasyon ang naging banyo.
Sa gitna ng gutom, pambu-bully, at bagsik ng panahon, bitbit ni Toto ang tanging kayamanang mayroon siya: ang kaniyang mga papeles at ang pangarap na makapagtapos. Gamit ang dugong pawis sa pagkakargador at pagkain ng mga tira-tirang gulay sa palengke, naitawid niya ang apat na taon sa mataas na paaralan hanggang sa marating ang entablado ng pagtatapos— suot ang lumang sapatos na nakanganga ang suwelas ngunit may pusong puno ng katatagan.
Hindi man siya pinalad na makatapak sa kolehiyo, ang mga karanasa niya ang humubog sa kaniya. Sa pamamagitan ng tiyaga at dangal na hindi kailanman nabahiran ng masamang gawain, pinatunayan ni Toto na ang isang high school graduate ay kayang makipagsabayan sa hamon ng mundo. Mula sa pagiging palaboy, unti-unti niyang inukit ang kaniyang tagumpay at ginhawang minsan lang niyang pinangarap.
Isang sulyap sa buhay na nagpapaalala sa atin na ang tunay na ginto ay hindi agad kumikinang— kailangan muna itong dumaan sa apoy, asido, at matinding pagkiskis ng tadhana bago lumitaw ang tunay nitong halaga at ganda.
Comments
Story Comments
Chapters
Story Chapters
Recommended
Angelica
Apr 23, 2026
Keep it up